Hindi ako laging una, hindi rin ako madalas mapansin. Walang medalya, walang parangal, walang palakpak na nag-uunahang bumati sa akin. May mga araw na okay lang, pero mas madalas, tahimik lang ako sa isang sulok habang iniisip kung may silbi ba lahat nitong ginagawa ko. Iniisip ko kung may bagay bang ako lang ang kayang gumawa, yung hindi dahil napilitan, kundi dahil magaling talaga ako. Paulit-ulit akong sumubok, pero parang laging may mas magaling, mas mabilis, mas karapat-dapat. Kaya minsan tinatanong ko ang sarili, “baka ako ‘yung taong okay lang kahit wala?” ‘yung hindi kailangan sa eksena, hindi rin hanap-hanap sa kwento. Pero kahit ganoon, narito pa rin ako. Humihinga, gumigising, lumalaban kahit walang sagot. At siguro, basta hindi ako tumitigil, may halaga pa rin ‘yon. kahit hanggang ngayon, wala pa rin akong sagot.