The right to suffrage, this is my 9th voting times and I am patting everyone for a job well done for national election for the mambabatas and local leaders. #halalan2025
Nakaboto na ba kayo? Ngayon, May 12, 2025, ay ang araw ng pagpili natin ng mga taon mamumuno sa atin... mula sa lokal na opisyal hanggang sa senado.📦 Alam ko andaming sobreng nagliparan sa nakaraang ilang araw. Nakatangap man tayo o hindi, sana wag tayong padala sa laman ng sobre📨📨. Sa ating pagboto, piliin natin ang kandidatong talagang me malasakit sa bansa at walang tinatagong pansiriling balak. Wag din tayong padala sa mga pangakong sobrang ganda pakinggan.
Ngunit ang masaklap na katotohanan ay... meron pa bang kandidatong talagang tapat na ang hangarin ay manglinkod ng totoo sa bayan. Haist!!!! Meron pa ba????
Siguro ang piliin na lang natin e yung maraming nagawa at magagawa na kaonti lang ang kapalit!
Kaya, uulitin ko na lang ang sinasabi nila tuwing me eleksyon..
VOTE WISELY! (Hanapin nyo na lang kun ano ang numero ni Wisely sa balota) 😂😅😂🤣
Ayan pila muna tayo sa ayuda ng tumatakbong Mayor dito sa lugar namin.😅 Nagpapabango kasi malapit na ang halalan. Pagka nanalo kaya sila mamimigay pa kaya, lol.😂 #ayuda #halalan2025 #ramdomthoughts