Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in
Kwento ko lang yung nakakatakot na experience ko sa picture na to...

So ayun nga nagtry akong maghanap ng isang magandang fishing site kasi gusto kong mamingwit. Ako lang mag-isa that time kasi mas prefer ko matuto mamingwit na ako lang kasi nahihiya ako pagmay kasama ako tapos di pa ako marunong.

Tahimik lang diyan at agos lang ng tubig na rumaragasa ang maririnig mo. Nong naglalakad na ako papunta na sana sa fishing site nagulat lang ako na may nakita akong anino na hindi ko maexplika na parang hugis tao na tumakbo sa may wall ng pader na bato.

Hindi ko na inalam kung ano yun, napabalikwas ako ng takbo pabalik kasi nagulat ako, hindi ko alam kung anong di maipaliwanag na elemento yung nakita ko. Maaaring na malikmata lang din ako non, ugh.

Bali yung picture na yan pabalik sa kinararatnan ko, ewan bat naisipan ko pang pikturan takot na kasi ako that time (may pagkasadista siguro ako). Buti di ako kinain ng halimaw o kung ano man yun sa likuran ko. Anyways, wag tayong matakot sa mga ganito kasi may Diyos. Maaliw ko lang kayo kahit papano.

#skl   #ontingkwentolang   #horrorstory   #trailblazer   #adventure
loved
3
laughed
1
shocked
1