Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in
tangs
@tangs
badge
HORROR STORIES BY SPOOKIFY FBP
HOLLA
79
posts
23
comments
19
reactions
61
subscribers
49
subscriptions
2,145
views
badge
badge
badge
badge
badge
Pa-Walk si Ate

Medjo SPG. Pag bata ka pa...bawal ka magbasa nito! 😁

Simulan na po natin ang kwento ko. Nangyari po eto last year lng. Nagwowork po ako sa isang motel dito sa Rizal. Hindi na bago sa amin na nagkakaroon ng mga guest na pawalk kung tawagin nila. Meron kaming pangyayari na ang hinding hindi namin makakalimutan ng mga kasamahan ko. Isang gabi sa shift namin may isang guest na pumasok isang aircon room daw, weird sya ha para ngang baliw kasi kinakausap sarili nya, tumatawa pa. Ayun nga hinatid na ng room attendant. Halos inubos nga ung oras nya, sinulit talaga, nung tinawagan namin sabi nya kung nasan daw ung kasama nyang babae eh sabi namin wala naman syang kasama. Pero pinipilit nyang may kasama sya napick up nya daw malapit sa motel. Binayaran nya pa nga daw kaso ung pera naiwan daw ata nung babae kasi andun padin sa side table. Di na kami nakipagtalo,umalis na lng si kuya. Sa amin balewala lang yun kasi nga iniisip namin na baka si kuya ay may sapak.😁

FF:
Saturday bumalik si kuya ask nya if bumalik daw ba yung babae kasi nga di ba naiwan yung pera. Sabi namin hindi. Nagtanong pa nga sa amin if kilala namin yung babae kasi nga daw nakita naman daw namin nung pumasok sila pero sabi namin na sya lng talaga ang pumasok at walang kasama. Sinabi din naming para syang baliw kasi nga kinakausap yung sarili nya at tatawa tawa pa. Nung una nagalit at ayaw maniwala hanggang sinabi naming panoorin ung cctv para maniwala, at yun nga kahit sya napraning sa napanood, wala talaga syang kasama at walang babaeng lumabas galing sa room nya at walang babaeng same ng description na sinasabi nya. Imposible daw kasi nakas*x nya nga daw sa kwarto. Ang galing nga daw gumiling at kumakanta pa daw, singer nga daw eh 🤣. Sulit ung oras na andun sila sa loob ng kwarto kasi talagang pinaligaya sya. Kaya sobrang pagod na pagod daw sya. Nagtatawanan na lng kami kasi nga akala namin nababaliw na si kuya. Hanggang nagtanong ung isang room attendant if anu itsura nung babae. Sabi ni kuya maganda, morena, maliit lng pero sexy nakakagigil daw at hindi nakakasawa ung mukha hindi kahabaan ang buhok na medyo buhaghag yung tipong hindi pa nagpapa rebond. Habang nagkukwento si kuya nakikinig pala ung isang pawalk na babae habang nagbabayad ung kasama nyang lalaki sa cashier. Hanggang sumabat sya sa usapan at nanginginig na sinabing " Eto po ba ung yung babaeng sinasabi mo kuya" sabay pakita ng picture sa cp nya medyo nanginginig pa nga kamay nya. Tinignan na nga ni kuya at sinabing sya nga yun, yun talaga yung babaeng kasama nya. At tinanong ni kuya kung nasaan na sya. Biglang natakot yung babae at namutla sabi nya kasamahan nya sa daw sa ganung trabaho yung babae kaso may nangyaring masama sa kanya, patay na daw yun at brutal pagkakapatay sa isang motel din dun (hindi dun sa motel na pinasukan nila ni kuya) baka daw hindi pa natatahimik ang kaluluwa nya at hindi nya parin tanggap pagkamatay nya kaya pakalat kalat pa din ang kaluluwa nya. Tambayan daw nila yung lugar kung saan sya napick up ni kuya. Kaya etong si kuya grabe takot kita mo talaga sa mukha nyang takot na takot sya kasi hindi naman nya inaasahang ganun pala yun na nakipagS*x sya sa isang multo ng parang wala ng bukas kasi totoong totoo daw ung nangyari ramdam na ramdam nya daw ung babae nung mga oras na yun. Nangako na nga si kuya na never ng pipick up ng pawalk diretso uwi na lng daw sya kahit harangin pa sya sa daan.🤣 
Ipagdadasal na lng daw nya yung babae at sana mahuli na yung killer kasi hanggang ngayon daw nakakalaya pa rin kasi hindi nila alam if sinu un.
At sana matahimik na kaluluwa nung babae. Kasi hangga't di pa nahuhuli gumawa nun sa kanya patuloy pa rin yung gagawin nya katulad nung nangyari kay kuya or pwedeng hinahanap nya ung gumawa nun sa kanya.

Kaya kayong mga lalake dyan na mahilig sa mga pawalk ingat ingat mga dong at baka multo na pala yang kasama nyo sa ligaya. 🤣

Yun lang po. Thank you sa pagbabasa.
At sana nagustuhan nyo yung kwento. By the way gamit ko dummy account ng frend ko. Kaya kung naging kasamahan kita sa work wag ka maingay at wag mo ako imention. 😁
Keep safe everyone.

Mommy Zoe✨
loved
2
laughed
2
shocked
2
Goodmornight comment naman jan sa mga gising pa pero maaga pasok bukas hahaha