Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

Habang tumatagal nauunawaan ko na.. Hindi mo naman pala…

Habang tumatagal nauunawaan ko na..
Hindi mo naman pala dapat ipaliwanag ang sarili mo sa iba..
Hindi mo naman pala kailangan na piliting tanggapin ka nila..
Hindi mo naman kailangan na intayin ang pagmamahal nila..

Habang nagkakaedad tayo, 
mas nauunawaan ko na ang lahat ng bagay..
Na wala naman pala talaga tayong dapat
patunayan sa iba..
Para bang mas mainam nang manahimik 
kaysa makipagtalo sa kanila. 
Na kailangang tanggapin natin na ang bawat paniniwala natin ay magkakaiba.

Ngayon ay nauunawaan ko na..
Na sa ibang tao'y ayaw ko nang makipagkompitensiya..
Manahimik nalang at wag ng makipagtalo pa
Kung di ka nila gusto ay dumistansya ka sa kanila..

Masarap mabuhay ng malaya..
Mas masarap ang tahimik na buhay at payapa
Hindi kayang bilin ng pera ang katahimikan at ligaya .
Mas masarap mabuhay ng simple at ang puso ay payapa..
loved
3
earnings
9,000 mlx total
$0  total
engagement
8 views
3 reactions

0 comments