Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in
elah124
@elah124
badge
May 08
76
posts
1
comments
21
reactions
12
subscribers
17
subscriptions
1,108
views
badge
Habang tumatagal nauunawaan ko na..
Hindi mo naman pala dapat ipaliwanag ang sarili mo sa iba..
Hindi mo naman pala kailangan na piliting tanggapin ka nila..
Hindi mo naman kailangan na intayin ang pagmamahal nila..

Habang nagkakaedad tayo, 
mas nauunawaan ko na ang lahat ng bagay..
Na wala naman pala talaga tayong dapat
patunayan sa iba..
Para bang mas mainam nang manahimik 
kaysa makipagtalo sa kanila. 
Na kailangang tanggapin natin na ang bawat paniniwala natin ay magkakaiba.

Ngayon ay nauunawaan ko na..
Na sa ibang tao'y ayaw ko nang makipagkompitensiya..
Manahimik nalang at wag ng makipagtalo pa
Kung di ka nila gusto ay dumistansya ka sa kanila..

Masarap mabuhay ng malaya..
Mas masarap ang tahimik na buhay at payapa
Hindi kayang bilin ng pera ang katahimikan at ligaya .
Mas masarap mabuhay ng simple at ang puso ay payapa..
loved
3
Good morning tangled world🎉hapi new year
Blood Components

Ang nadonate na dugo o whole blood ay nahahati sa tatlong main components - ang packed red blood cells, platelets at plasma - kaya ang isang bag ng dugo ay maaaring makatulong sa tatlong tao.

Ang packed red blood cells ay sinasalin sa mga pasyenteng may malubhang anemia o hemoglobin na mas mababa sa 7-8 . Ang pula ng dugo ay importante dahil sila ang nagdadala ng oxygen sa iba’t ibang parte ng ating katawan.

Ang platelets ay sinasalin sa mga pasyenteng may malubhang pagbaba ng platelet <10-20, o may pagdudugo dahil sa mababang platelet count. Ang mga platelets ay component ng dugo na nagdidikit dikit para patigilin ang pagdudugo.

Ang plasma ang liquid na component ng dugo. Meron itong mga clotting proteins na tumutulong din na mapatigil ang pagdudugo. Ang plasma ay sinasalin sa mga pasyenteng may mga kulang na clotting proteins gaya na lamang sa hemophilia A o B at sa mga pasyenteng may liver disease o may problema sa atay.

#bloodcomponents #redbloodcells #platelets #plasma #donateblood #savelives #blooddonation #ohhmyblood #OMB #hematology
loved
1
laughed
1
shocked
1