Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄: Bahagya nang tumataas ang tyansang mag-develop…

𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄: Bahagya nang tumataas ang tyansang mag-develop bilang ganap na bagyo (50% MEDIUM) ang isang aktibong LPA na patuloy na binabantayan sa silangan ng #Mindanao na nasa loob na ng PAR.

Kung hindi magbabago ang ipinapakita sa ngayon ng mga weather model, maaaring tawirin nito ang #CARAGARegion , #Visayas , at #Palawan sa mga susunod na araw.

Sa ngayon ay nagdadala na ng mga pag-ulan ang LPA at aktibong Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa ilang bahagi ng #Visayas at #Mindanao na posibleng magdulot din ng mga biglaang pagbaha o pagguho ng lupa.

Sakaling maging bagyo habang nasa loob ng PAR, tatawagin itong #QuerubinPH .

Patuloy na mag-monitor ng mga susunod pang update.
loved
1
laughed
1
shocked
1
earnings
59,000 mlx total
$0  total
engagement
48 views
4 reactions

0 comments