Lumakas at ganap nang bagyo o Tropical Depression ang binabantayang LPA sa silangan ng #Mindanao at pinangalanang #QuerubinPH , ayon sa PAGASA.
Inaasahang magdadala ito ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa partikular sa #Visayas at #Mindanao na posibleng magdulot ng mga biglaang pagbaha o pagguho ng lupa.
𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄: Bahagya nang tumataas ang tyansang mag-develop bilang ganap na bagyo (50% MEDIUM) ang isang aktibong LPA na patuloy na binabantayan sa silangan ng #Mindanao na nasa loob na ng PAR.
Kung hindi magbabago ang ipinapakita sa ngayon ng mga weather model, maaaring tawirin nito ang #CARAGARegion , #Visayas , at #Palawan sa mga susunod na araw.
Sa ngayon ay nagdadala na ng mga pag-ulan ang LPA at aktibong Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa ilang bahagi ng #Visayas at #Mindanao na posibleng magdulot din ng mga biglaang pagbaha o pagguho ng lupa.
Sakaling maging bagyo habang nasa loob ng PAR, tatawagin itong #QuerubinPH .
Patuloy na mag-monitor ng mga susunod pang update.