Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 165 kph at mapaminsalang lakas ng hangin na umaabot na sa 240 kph. kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis lamang na 7 kph.
Inaasahang tatawirin ng bagyo ang #BalintangChannel malapit sa #Batanes kaya asahan na ang VIOLENT WINDS doon na dala ng bagyo at tsaka inaasahang lalakas pa pagdating sa Luzon Strait at posibleng maging SUPER TYPHOON Category.
Apektado rin ng mga pag-ulan na may pagbugso ng hangin ang buong #NorthernLuzon at ilang bahagi ng #CentralLuzon dahil sa malawak na sirkulasyon ng bagyo.
Patuloy na maging alerto at handa sa banta pa rin ng bagyo lalo na sa mga lugar na pinakaramdam ang hagupit nito. Mag-ingat po!