Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in
RELIEF FROM THE HEAT! ☁️⛈️

Maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na mga pag-ulan ang nararanasan ngayon sa malaking bahagi ng bansa, partikular sa #BicolRegion , #CentralLuzon , #MetroManila , #CALABARZON , ilang bahagi ng #Visayas , #MIMAROPA , at #ZamboangaPeninsula bunsod ng umiiral na #Easterlies , habang apektado naman ng #NortheasterlyWindflow ang #ExtremeNorthernLuzon .

Maging alerto at handa sa banta ng mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.
loved
5
laughed
1
shocked
1
𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄: Mabilis na lumalakas ang Bagyong #LeonPH (#KONGREY) habang patuloy na tinutumbok ang #Taiwan .

Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot na sa 175 kph at pagbugsong umaabot na sa 250 kph. Kumikilos ito sa direksyong West Northwest sa bilis na 15 kph.

Inaasahang lalakas pa ang bagyo bilang SUPER TYPHOON Category sa susunod na 24 oras.

Pinag-iingat po ang ating mga kababayan lalo na sa #ExtremeNorthernLuzon dahil sa inaasahang paglapit ng bagyo doon simula ngayong araw hanggang bukas.
loved
1
𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄: Mas lumakas pa ang Bagyong #JulianPH (#KRATHON) habang patuloy na hinahagupit ang #ExtremeNorthernLuzon .

Taglay na ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 165 kph at mapaminsalang lakas ng hangin na umaabot na sa 240 kph. kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis lamang na 7 kph.

Inaasahang tatawirin ng bagyo ang #BalintangChannel malapit sa #Batanes kaya asahan na ang VIOLENT WINDS doon na dala ng bagyo at tsaka inaasahang lalakas pa pagdating sa Luzon Strait at posibleng maging SUPER TYPHOON Category.

Apektado rin ng mga pag-ulan na may pagbugso ng hangin ang buong #NorthernLuzon at ilang bahagi ng #CentralLuzon dahil sa malawak na sirkulasyon ng bagyo.

Patuloy na maging alerto at handa sa banta pa rin ng bagyo lalo na sa mga lugar na pinakaramdam ang hagupit nito. Mag-ingat po!
loved
5
shocked
2
laughed
1