Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in
‘PEPITO’ ISA NANG MALAKAS NA BAGYO; SIGNAL NO. 5 POSIBLENG ITAAS

UPDATE: Isa nang TYPHOON o MALAKAS NA BAGYO ang bagyong #PepitoPH (#MANYI) habang kumikilos patungong #BicolRegion — may lakas itong 120 km/h at bugsong papalo sa 150 km/h. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang kanluran, ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA).

Nakataas na ang SIGNAL NO. 1 sa #Catanduanes , eastern #CamarinesNorte , eastern #CamarinesSur , eastern #Albay , eastern and southern #Sorsogon , #NorthernSamar , northern #EasternSamar , at northeastern #Samar .

Inaasahang aabot sa SUPER BAGYO ang bagyong PEPITO, ayon sa PAGASA bago tumama sa #Catanduanes saka tatawid ng #Quezon -#Aurora sa Linggo. Maging handa sa malalakas na hangin at buhos ng ulan sa #BicolRegion , #CALABARZON , #CentralLuzon at #MetroManila , pati na rin ang #NorthernLuzon .

Posibleng itaas ang SIGNAL NO. 5 sa ilang bahagi ng Bicol Region kapag naging super bagyo si Pepito.

Inaasahang magbabago pa ang taya dito kaya’t manatiling updated.

Mag-ingat po ang lahat.
earnings
6,000 mlx total
$0  total
engagement
12 views
0 reactions
0 comments