Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in
𝐏𝐑𝐀𝐘 𝐅𝐎𝐑 𝐂𝐀𝐓𝐀𝐍𝐃𝐔𝐀𝐍𝐄𝐒 🙏🙏🙏

Nag-iwan ng kabi-kabilang pinsala sa iba’t ibang lugar partikular sa bayan ng Panganiban sa isla ng #Catanduanes ang paghagupit ng Super Typhoon #PepitoPH (#ManYi).

Tumama ang bagyo sa naturang lugar bandang 9:40 PM nitong Sabado ng gabi kung saan napasailalim din ng WIND SIGNAL NO. 5 at STORM SURGE WARNING ng PAGASA.
loved
2
LOOK: Visible na ngayon ang mata ng Typhoon #PepitoPH (#ManYi) batay sa latest satellite image na ito ngayong umaga.

Kapansin-pansin din na patuloy na lumalawak ang bagyo habang binabaybay ang mainit na karagatan ng Philippine Sea.

Inaasahang magiging SUPER TYPHOON Category pa ang bagyo bago tuluyang mag-landfall sa bahagi ng #BicolRegion sa weekend.
shocked
2
‘PEPITO’ ISA NANG MALAKAS NA BAGYO; SIGNAL NO. 5 POSIBLENG ITAAS

UPDATE: Isa nang TYPHOON o MALAKAS NA BAGYO ang bagyong #PepitoPH (#MANYI) habang kumikilos patungong #BicolRegion — may lakas itong 120 km/h at bugsong papalo sa 150 km/h. Kumikilos ito pa-kanluran hilagang kanluran, ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA).

Nakataas na ang SIGNAL NO. 1 sa #Catanduanes , eastern #CamarinesNorte , eastern #CamarinesSur , eastern #Albay , eastern and southern #Sorsogon , #NorthernSamar , northern #EasternSamar , at northeastern #Samar .

Inaasahang aabot sa SUPER BAGYO ang bagyong PEPITO, ayon sa PAGASA bago tumama sa #Catanduanes saka tatawid ng #Quezon -#Aurora sa Linggo. Maging handa sa malalakas na hangin at buhos ng ulan sa #BicolRegion , #CALABARZON , #CentralLuzon at #MetroManila , pati na rin ang #NorthernLuzon .

Posibleng itaas ang SIGNAL NO. 5 sa ilang bahagi ng Bicol Region kapag naging super bagyo si Pepito.

Inaasahang magbabago pa ang taya dito kaya’t manatiling updated.

Mag-ingat po ang lahat.