Nabalot ng frost o andap ang mga damuhan sa bahagi ng Mt. Pulag sa #Benguet dahil sa patuloy na pagbagsak ng temperatura bunsod pa rin ng pag-iral ng #Amihan sa bansa.
Ngayong araw, nakapagtala ng panibagong pinakamababang temperatura ang BSU La Trinidad, Benguet na bumagsak sa 9.4Β°C kaninang umaga, pinakamababa rin ngayong #AmihanSeason 2024-2025.
Inaasahang patuloy na mararanasan ang malamig na panahon hanggang sa buwan ng Pebrero dahil sa peak ng Amihan.