Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in

𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄: Lumakas at isa nang TYPHOON Category ang Bagyong…

𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄: Lumakas at isa nang TYPHOON Category ang Bagyong #JulianPH (#KRATHON) habang kumikilos papalapit sa #Batanes .

Taglay ngayon ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 120 kph at pagbugsong umaabot sa 175 kph. Kumikilos ang bagyo sa direksyong North Northwest sa bilis na 15 kph.

Inaasahang patuloy pang lalakas ang bagyo at hindi pa rin inaalis ang posibilidad na maging SUPER TYPHOON ito bago mag-landfall sa #Batanes bukas ng hapon.

Sa ngayon ay patuloy nang nakakaapekto ang malalakas na bugso ng hangin at mga pag-ulan sa #ExtremeNorthernLuzon at maging sa ilang bahagi ng #NorthernLuzon at #CentralLuzon dahil sa malapad na sirkulasyon ng bagyo.

Patuloy na maging alerto at handa sa banta ng bagyo lalo na sa mga pinakamaaapektuhang mga lugar sa dulong hilagang-Luzon. 

Mag-ingat po palagi.
loved
2
shocked
2
earnings
19,000 mlx total
$0  total
engagement
22 views
4 reactions

0 comments