Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in
Kasabay ng paglakas ng super typhoon #OfelPH , itinaas na rin ng PAGASA ang wind signal no. 5 sa ilang lugar sa probinsya ng Cagayan. #WeatherPatrol
loved
2
laughed
1
shocked
1
𝐎𝐅𝐄𝐋'𝐒 𝐏𝐈𝐍𝐇𝐎𝐋𝐄 𝐄𝐘𝐄! 🌀⚠️

Visible na ang maliit na mata ng Typhoon #OfelPH (#USAGI) na indikasyon na patuloy pang lumalakas ang naturang bagyo.

Inaasahang itataas ang SIGNAL NO. 4 sa probinsya ng #Cagayan kasama ang #BabuyanIslands kung saan ito inaasahang tatama bukas ng hapon.

Maging handa at alerto po lalo na ang mga nasa #NorthernLuzon sa inaasahang epekto ng malakas na bagyong ito.
loved
2
shocked
2
𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄: Lumakas pa at ngayo’y isa nang TYPHOON Category ang bagyong #OfelPH (#USAGI) habang patuloy na tinutumbok ang #NorthernLuzon .

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 120 kph at pagbugsong umaabot sa 175 kph. Mabilis ang pagkilos ng bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 30 kph.

Inaasahang patuloy pang lalakas ang bagyo bago tuluyang tumama sa bahagi ng #Cagayan -#Isabela area bukas ng hapon.

Inaabisuhan na ang ating mga kababayan sa #NorthernLuzon lalo na sa mga probinsya ng #Cagayan kasama ang #BabuyanIslands , #Isabela , at #Apayao na paghandaan na ang inaasahang epekto ng posibleng mapaminsalang bagyong ito.

Manatiling mag-monitor ng mga susunod pang update.
loved
3
shocked
1