𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄: Lumakas pa at ngayo’y isa nang TYPHOON Category ang bagyong #OfelPH (#USAGI) habang patuloy na tinutumbok ang #NorthernLuzon .
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na umaabot sa 120 kph at pagbugsong umaabot sa 175 kph. Mabilis ang pagkilos ng bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 30 kph.
Inaasahang patuloy pang lalakas ang bagyo bago tuluyang tumama sa bahagi ng #Cagayan -#Isabela area bukas ng hapon.
𝐔𝐏𝐃𝐀𝐓𝐄: Patuloy na lumalapad ang mga kaulapang dala ng papalapit na Tropical Storm #OfelPH (#USAGI) habang kumikilos pa rin patungong #NorthernLuzon .
Bahagya pa itong lumakas taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 85 kph at pagbugsong umaabot sa 105 kph. Mabilis din ang pagkilos nito sa direksyong Northwestward sa bilis na 35 kph.
Inaasahang mabilis na lalakas ang bagyo at posibleng maging TYPHOON Category bago tuluyang mag-landfall sa #Cagayan -#Isabela area sa Huwebes.
⚠️ Paghandaan na po ito ulit dahil magiging mapaminsalang bagyo ito lalo na sa #NorthernLuzon .