Stop being the product.
Become the owner.
or
sign uplog in
𝗟𝗢𝗪𝗘𝗦𝗧 𝗧𝗘𝗠𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗨𝗥𝗘𝗦 𝗧𝗢𝗗𝗔𝗬🥶
21 December 2025

Bagamat ang #amihan (northeast monsoon) ay umaabot na lamang sa Batanes at ang #easterlies ang namamayagpag sa bansa ngayong araw, ayon sa PAGASA, nananatiling malamig ang simoy ng hangin sa iba't ibang lugar ng Luzon.

Pinakamababa ang naitala sa Baguio na 16.4°C na sinundan ng Casiguran, Aurora, na 17.0°C!
loved
2
laughed
1
shocked
1
RELIEF FROM THE HEAT! ☁️⛈️

Maulap na kalangitan na may mga kalat-kalat na mga pag-ulan ang nararanasan ngayon sa malaking bahagi ng bansa, partikular sa #BicolRegion , #CentralLuzon , #MetroManila , #CALABARZON , ilang bahagi ng #Visayas , #MIMAROPA , at #ZamboangaPeninsula bunsod ng umiiral na #Easterlies , habang apektado naman ng #NortheasterlyWindflow ang #ExtremeNorthernLuzon .

Maging alerto at handa sa banta ng mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.
loved
5
laughed
1
shocked
1
Stay hydrated! 🥵🔥🌡️

Magiging mainit at maalinsangan ang panahon sa malaking bahagi ng bansa bukas dahil sa patuloy na paghina ng epekto ng #Amihan at pagiging dominante naman ng mainit na #Easterlies .

Samantala, posible pa rin ang mga pag-ulan pagsapit ng hapon at gabi dahil sa localized thunderstorms.

NOTE: Hindi pa rin nagsisimula ang tag-init.
loved
5
shocked
3
laughed
1