Kaya sali na kayo bukas, kumpisal + komunyon = clean slate na kaluluwa as promised by Jesus !!! 😲❤️🙏 As mentioned, na-experience ko yung promise Niya last year, perstaym ko lang ginawa. Wow na wow epekto sa akin. Sa iyo kaya, ano magiging kwento mo?
Make sure din po na gumamit or bumasa muna kayo ng Examination of Conscience (Pagsusuri ng Budhi, marami yan online, search nyo lang) bago magkumpisal para mas matuwa si Lord. Hehe.
Eto po ang tamang process ng pagkukumpisal, kailangan tlga: 1. Suriin muna ang budhi at alalahanin ano yung mga kasalanan, then 2. Ilista lahat para di malimutan habang nagkukumpisal. 3. Sabihin kung ilang beses ginawa each one, give estimate or time frame/period kung di na matandaan. 4. Ang pinakaimportante sa lahat ay: PAGSISIHAN ang mga KASALANAN. Kung di mo kaya pagsisihan, ikumpisal mo pa rin. Para makakuha ka ng grasya para magawa mo rin eventually.
Hanap ka na ng simbahan na pagkukumpisalan now pa lang. Check nyo mga FB page ng mga simbahan para ready na bukas. Or lapitan nyo na lang parish priest after mass. God bless. :) 🙏 #Catholic #Christian #Philippines #love #mercy