❌ Magbasa ng Chinese zodiac horoscopes ba kamo para malaman ang kapalaran? Magsuot ng lucky charms para swertehin sa buhay? Nakupo, ang laking kasalanan kay Lord ng mga yan! Violation of 1st Commandment of God yarnnn.
✅ Ang Panginoon lang po ang pinagmumulan ng biyaya o grasya. Wala pong swerte o malas kundi lahat ay biyayang galing sa Diyos. Siyempre kung tayo ay makasalanan at hindi nagsisisi ayun, yan ang kadalasang dahilan kaya di natin natatanggap ang maraming pagpapala mula sa Diyos. Tayo kasi ang umaayaw e tas panay lapit natin sa mga diyus-diyosan. Hayayay. Kumpisalan is waving! 👋 Bago po magkomunyon sa Linggo dapat nakapagkumpisal na muna ng kasalanang ito at iba pang mga kasalanan.