Yasss, nothing unclean can enter Heaven. ☝️ Kaya kung ayaw natin masaktan lalo pag namatay na tayo, ngayon pa lang tanggapin na natin ang mga nakakasakit na mga experiences and transform them into an offering to God for the sake of others. (Search mo, "offer it up".) Mas masakit pa mararanasan natin sa purgatoryo pag nilinis tayo dun, maraming mga santo na nagsabi nyan. At mas lalong malala eternal damnation in hell kasi wala ka nang takas sa mga mas sobrang sakit na karanasan doon.
Dito sa mundo pwede ka "tumakas" sa mga problema at paghihirap n nararamdaman. Pero kung pagka-"takas" mo e pupuntahan mo pala ung mas lalong makakaranas ka ng matinding sakit, e di wow. haha. Bakit mo gugustuhin yung ganon?
Amen, kailangan talaga natin magdasal palagi. Si Jesus nga Diyos na naging tao, panay dasal pa rin, tayo pa kaya? Siya nga di na dapat kelangan magdasal kasi Siya ay parte ng Holy Trinity pero kahit naging tao Siya alam Niya ang kahalagahan ng pagdarasal sa Diyos. 🙏
Ang daming problema ng mundo ngayon tapos walang nagdarasal. 😂 Sino kawawa? Di ba? Kaya daily prayer is a must. Rosary lang everyday with family solb na. 24 hrs sa isang araw puro tiktok at FB tayo tas di natin magawang magdasal man lang ng 15 minutes? Yung totoo, binuhay ba tayo ni Lord para mag-aksaya lang ng oras sa walang kwentang gawain? 😂 Bigyan natin ng silbi buhay natin kahit konti man lang sa pamamagitan ng pagdarasal palagi.
Matthew 11:28-30 is just Part 1 of it. I did this for the first time back in 2010 and super gumaan nga tlga nawala ung paghihirap at sakit ng kalooban/damdamin ko, atbp. In short, naalala ko lang gawin 'to dahil sa kanta ni Basil Valdez (Lift Up Your Hands) na may verse na yan. 😅 Triny ko lang kung magiging epektib kasi lahat na ginawa ko walang nangyayari, ayun epektib nga tlga! ❤️ Glory to God in the highest. 🙏
Ang Part 2 nyan as I mentioned before, shempre last year ko lang nalaman. Maganda kapag nasa state of grace na tayo palagi we do the 2nd part which is to "Offer it up." Meaning, offer your #suffering to God for the sake of others. I mean, di ba, ibibigay mo na nga lang sa Diyos di mo pa sasabihin kung para saan? Lagyan din natin ng intention. Para saan natin iaalay sa Diyos ang pagdurusang dumarating at nararanasan natin sa buhay?
In no particular order: 1. For the relief of the souls in purgatory, 2. For the healing of the sick, 3. For the conversion of sinners, 4. For the reparation of blasphemies and obscenities against the Immaculate Heart of Mary, 5. For the help of the poor, 6. at iba pa...
Wag nating sayangin mga hirap at sakit na nararanasan natin sa buhay. Bigyan mo ng silbi, makakatulong ka pa sa iba na nangangailangan, matutuwa pa Diyos sa'yo lalo kung sincere ka sa pag-aalay. And I thank you. Bow.